|
Asar talaga ang OSI, pakiramdam ko wala nang nangyayari sa pag-aaral ko. Wala na yata akong lecture na hindi tinulugan. Wala na kong lesson na lubusang naintindihan. Wala kong exam na hindi kinatamaran pag-aralan. Wala na ring panahon para maglibang-libang! Parang napakalayo na ng Rob. Linggo-linggo na lamang ay may exam. Katatapos lamang ng neuro, exam na agad ng derma, at ngayon nalalapit na rin ang ana at histo. Idagdag pa riyan ang mga SGD, IILE at PBL. May OSCE pa pala! Hay... Kelan kaya magkakaroon ng exam na pakiramdam ko naman pumasa ko? Parang mas gusto ko yung dating curriculum, pero sana ay matutunan ko ring mahalin ang OSI. 'Eto pa pala, pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Nakakabobo talaga dito. Sabihan ka ba naman ng harap-harapan ng isang prof na "Alam nyo, kawawa kayong mga intarmed lalo na ngayon sa medproper... kulang kasi preparation nyo... sa mga classes ko maraming intarmed na bumabagsak... etc. etc." Nakaka-demoralize. Magka-cadaver na pala kami next week. That's just the thing I need - ang lumasap ng formalin!! Haha! Saya ng med! Nakakabaliw! |
| Leave a Comment: |